Dahil ngayon ay November 19 dito sa Pilipinas, nais kong batiin ang butihin kong kaibigan na si Perry Manzanida ng HAPPY BIRTHDAY.... ang tanda tanda mo na! hahaha....
Unang nagtagpo ang mga landas namin sa anniversary performance ng dati naming pinapasukang kumpanya. Siya ang naging partner ko noon na bumuhat sa akin na parang DARNA! ang dating. hahaha... (maliit pa ko noon...) Pagkatapos ng 'gig' na yun, nadiscover namin na meron pa pala kaming parehas na hilig gawin, ang pagkanta.... Siya ang pioneer sa paghahandog na makatindig balahibong awitin tuwing first friday masses. Tulad ng aking mga ikinikwento sa mga nakaraang posts ko, gustung-gusto namin kantahin ang Love is the Answer habang nasa fire exit pababa ng HR.
Madalas siya magtampo lalo na pag hindi ako nakakaattend ng mga practice dahil sa mga 'date' ko pag gabi.... Siya ang nagiging takbuhan ko pag nagkakaroon ako ng problema dahil sa LQ at trabaho...Kahit mega tulo ang luha ko, napapatawa pa rin niya ako sa mga 'corny' niyang jokes.... Hindi ko makakalimutan ang mga times naming magkasama, pag nagkakakayayaang magkape sa starbucks, mga tawagang 'tae' at 'bahaw' sa sametime....
Namimiss na kita tae ka. =) Sana mabasa mo to..... AGain, happy happy birthday... more blessings and good health to you my dear friend.
1 comment:
Wow!!!!!!!!!!!!! Hahahha, thanks tae. Hahahhaah. ;)
Post a Comment